KALYESERYE SEASON 1: ANG TAMANG PANAHON (SEASON ENDER)

12278140_10203479440344898_2029621887_n

IKA-SIYAM NA KABANATA

lumapit ang isang maid in russia “Donya Babah telepono ho”

“Who’z thiz?” tanong ni Donya Babah

“hindi po sinabi eh pero lalake po siya”

“Zigi…” kinuha ni Donya Babah ang telepono at tska umalis ang maid

“Halu” mataray na sinabi ni Donya Babah

“Mama! ano tong balitang nakarating sa akin? my son is getting married without my permission?” naiinis na sinabi ng lalaki sa kabilang linya

“Ricardo… ikaw pala yan… Are you not going to ask me… kung kamusta na ako?”

“alam ko namang ayos ka lang mama… now answer my question… ikakasal na ba ang anak ko?”

“yiz Ricardo anak… ikakasal na si Rchard Jr. ang paborito kong apo…” mahinahong sinabi ni Donya Babah sa kanyang apo

Kausap niya si Richard Faulkerson Sr. ang kanyang nag iisang anak

“pero… kanino? at bakit hindi niya sinabi sa akin? I should be there… I should witness it”

“ikakasal siya kay Cindy… ang magiging future business partner natin sa Russia… isa sila sa mga…” hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil biglang sumabat ang kanyang anak

“ANO!?… ikakasal siya sa taong hindi niya mahal? at ikakasal siya dahil sa pera? mama naman napag usapan na natin to… napag usapan na nating hindi natin gagawin sa anak ko ang ginawa mo sakin noon at sa nang ginawa rin sayo!”

“I know I know… pero nakiuzap zila… at kailangan rin naman natin ang kumpanya nila…”

“teka mama… kaya ba pinapunta mo ako dito sa Amsterdam? kaya ba pinaalis mo ako para hindi ko ito mapigilan?”

natawa si Donya Babah “ha ha ha ha nakuha mo rin Ricardo… matalino ka pa rin pala… akala ko hindi mo na malalaman kung bakit… OO! I zent you there in Amsterdam not just only for a business purpozes… but also for you not to meddle with thiz wedding!” matapang na sagot ni Donya Babah sa kanyang anak

“pero mama… hindi mo ba alam an nasasaktan yang apo mo sa mga pinag gagawa mo?! don’t you even think na may mahal siyang iba? at pati un may masasaktan mo?”

“I know Ricardo… I know even before I made this decision… Pain demands to be felt… remember that Ricardo… mamahalin niya rin ang babaeng pakakasalan niya… katulad ng nangyari sayo at sa akin… minahal rin naman natin ang ipinakasal sa atin hindi ba?!”

“pero mama… maawa ka sa apo mo! napag usapan na natin na hindi siya ipagkakasundo… pero bakit ganito… wala na bang ibang pwedeng gawin?”

“wala na Ricardo… wala na!”

“uuwi ako diyan mama!… uu…”

“susbukan mo Ricardo… subukan mo kung makakaalis ka… may mga nakabantay na diyan sa paligid ng bahay Ricardo… hindi ka makakaalis diyan!”

“PERO MAMA! MAMA!!!… MAAWA KA SA…”

“I’m done Ricardo!” tsaka binaba ni Donya Babah ang telepono

napahawak si Donya Babah sa kanyang sentido dahil sa stress na naramdaman niya nanaman

“ahh Donya Babah…” dumating ang isa sa kanyang maid in russia na may dalang sulat

“what iz it?”

“may dumating nga ho palang sulat nung isang araw…” sabay abot ng sulat kay Donya Babah

“e  bat ngayon mo lang binigay?”

“nasa lamesa niyo na po yang sulat simula nung dumating… akala ko po napansin niyo”

“amina nga yan… madaming namamatay sa maling akala” mataray na sagot nito tsaka binuksan ang sulat

Dear Lola,

                    Alam ko pong minsan sa buhay niyo ay nagmahal din po kayo ng totoo, pagmamahal na inasam niyo at kukompleto sa buhay niyo. Maswerte po ang mga taong nabigyan ng ganitong pag ibig. Una sa akin po, alam ko pong natagpuan ko na pero alam ko pong mahal ka po niya tulad ng pagmamahal ko sa aking mga Lola. Hindi ko po alam kung mamasamaan ninyo po itong ginagawa ko pero susubukan ko narin po. Ayoko pong dumating ang araw na mag-sisi ako kasi hindi ko po pinaglaban at natakot po akong subukang kumatok sa puso niyo. Ayoko pong ako yung magiging dahilan para suwain kayo ni Alden, kaya ako na po ang nagparaya. Masakit po… pero kakayanin ko. Sa sulat pong ito, humihingi po ako ng isang pagkakataon sa inyo na hanapin namin ni Alden ang kaligayan namin at ng malaman po namin kung kami ay para talaga sa isa’t isa . Maganda man po o hindi ang magiging istorya namin babalikan ko po ang araw na ito para ikwento sa magiging mga apo niyo na pinag bigyan niyo po kami ng apo niyo at hindi ang yaman sa mundo.

                                                                                    – Divina Ursula Bukbukoba Smash

habang binabasa ni Donya Babah ang sulat ay unti unti narin siyang naiyak dahil naalala niya ang mga nangyari nung siya ang nasa sitwasyon ni Alden. At dahil sa sulat na ito ay nagbago ang kanyang isip at tinawagan si Lola Nidora

Sa Mansyon nila Lola Nidora…

“DIVINA! divina! gumising ka nga diyan!” kanina pa ginigising ni Lola Nidora ang kanyang apong nakatulog sa sofa

“YAYA!!!!” sa sigaw na ito ni Lola Nidora ay nagising si Divina

“SUNOG? SUNOG? NASAAAN ANG SUNOG?!” napatalon si Yaya nang narinig ang sigaw ni Lola

“anong sunog ka diyan? bat diyan ka sa sofa natulog? napuyat ka nanaman kakanood ng teleseye? tsaka bakit ka umiiyak ka?”

“eh kasi naman…. LOLA!!!!” at nag umpisa nanamang umiyak si Yaya

“kasi po…” sabay singhot sa sipon “iniwan ko daw po si Alden… nasa airpot na siya para habulin ako pero naka alis na ung eroplanong sinasakyan ko… tsaka natuloy  daw ang kasal nila ni Cindy…” umiiyak siya habang kinikwento ito sa kanyang lola

“apo panaginip lang yon…”

“ehh lola parang totoo po eh… tsaka… teka… diba ngayon ang kasal nila? wahhhh!!! sana pala nagtanan nalang kami”

nagulat si lola sa sinabi ni Divina

“ANONG TANAN? HINDI PA NGA KAYO TANAN NA AGAD? umayos ka Divina!”

“lola naman eh….”

“oo nga pala… kaya kita ginising dahil may gustong kumausap sayo…”

“saan po? sino po?”

“andun sa telepono kausapin  mo nalang para malaman mo” nakangiting sinabi ni Lola Nidora sa kanyang apo

tamad na naglakad si yaya patungo sa kinaroroonan ng telepono

“hello?”

“Urzula…” pagtawag palang sa kanya ay alam na niya kung sino

“ba… bakit po lola?” kinakabahan na tanong ni divina

“Divina Urzula… I just read your letter… and.. I realize that you’re right… nagmahal din ako dati… ngunit hindi siya ang aking nakatuluyan… masakit Divina Urzula… masakit…”

tahimik  na nakikinig si Yaya sa kabilang linya

“matagal naghilum ang sugat sa puso ko… nagsisi ako kasi hindi ko nagawan ng paraan… hindi ko sinubukang lumaban dati… natakot ako… naunahan ako ng takot kaya hindi ko man lang naipaglaban ang akong tunay na pag ibig…”

sa kabilang linya ay naluluha si yaya dahil hindi niya alam kung ano nanamang plano ni Donya Babah

“at dahil sa sulat mo Urzula nabuksan ang puso ko… nabuksan ito upang magbago ang aking desisyon… hindi ko na itutuloy ang kasal ng aking apo kay Cindy… ayokong maranasan niya ang sakit na naramdaman ko noon… kaya Urzula mag bihis ka na… papunta na diyan ang van namin at susunduin ka papunta dito sa manzyon… mag umpisa ulit kayo ni Alden… mag umpisa ulit kayo ng apo ko…”

nagulat si yaya sa naging desisyon ni donya babah

“ta…tlaga po ba?” natutuwang tanong niya

“oo Urzula… tsaka sorry nga rin pala sa mga nagawa ko… nagpadala ako sa pera… sorry talaga”

“a… ayos lang po… salamat po ulit lola!” masaya siyang umakyat sa kwarto niya para makapag bihis

samantalang nakatingin sa kanya sa malayo si lola nidora at masaya ito dahil sumaya muli ang kanyang apo

Sa Manson ni Donya Babah

makikitang pababa si Alden sa hagdan suot ang damit niya para sa kasal pero hindi pa niya suot ang coat

“Aldrin… Aldrin my favorite apo” tawag ni Donya Babah sa kanya

tahimik na lumapit ang malungkot na si Alden sa kanya

“pugi pugi mo… are you ready my grandson?”

tumango lang si Alden “lola… lola matanong ko lang po… anong ginawa niyo kay yaya? anong sinabi niyo sa kanya?”

tumayo si Lola Babah at dumungaw sa bintana

“I have something to tell you grandson…”

“sagutin niyo naman po muna ung tanong ko lola…” sagot ni Alden sa kanyang lolang nakatalikod sa kanya

ngunit hindi pinansin ni Lola Babah ang sinabi ng kanyang apo

“Aldrin… you know that I love you very very much…” panimula ni Donya Babah

humarap na si Alden kay Donya Babah “mahal na mahal kita aking very very favorite apo… and your future if very very important for me that’s why I set this fix marriage…but I forgot na may zarili ka nga palang puso at isip… akala ko maganda ang gagawin ko Aldrin…”

nag uumpisa nanag umiyak si Donya Babah

“pero kapag nakita kong nagdudusa ka… tuwing nakikita kong you are very very hurt… tuwing nakikita kong you are crying… I also cry… the letter that Urzula sent me opened my heart… nabuksan ang puso ko… ang nilalaman ng puso ko… naramdaman ko ang isang sakripisyo ng isang babae… ang puso niya ay malakas Aldrin… at yung ang binuksan niya sakin… hindi ko yon nagawa noon… noong mga panahong ako ang nasa sitwasyon mo… sinubukan kong ipaglaban ang aking sarili… ngayon nag sisisi ako…nag sisisi na ako Aldrin…”

sandaling tumigil si Donya Babah para magpunas ng luha

“masarap mag mahal…. very very good to love… at napaka simple lamang ng buhay aking apo… hindi pa huli ang lahat…” ngumiti si Lola Babah sa kanyang apo

nagtataka na si Alden sa sinasabi ng kanyang lola ngunit sa loob loob nito’y natutuwa na siya dahil parang alam na niya ang sasabihin ng kanyang lola

“Magsimula ulit kayo ni Urzula… pinapunta ko siya dito… nag backout na ako sa kasal niyo ni Cindy… I know that she also loves someone…”

hindi na maitatago ang ngiti ni Alden sa kanyang mukha

“pinasundo ko na si Urzula… maya maya lang ay nandito na un… I’m very very sorry my grandson…”

“seryoso po kayo lola?” paninigurado ni Alden

“oo Aldrin… magsimula ulit kayo ni Urzula… I very very love you grandson… I’m very very very sorry my grandson…”

abot langit na ang ngiti ni Alden sa nalaman niya mula sa kanyang Lola

“I love you too lola” sabay niyakap ni Alden ang kanyang lola

“asan asan na po siya?”

“maya maya lang ay nandito na yun… sige doon muna ako sa Lanai antayin mo na lang si Urzula na dumating”

“sige po lola… salamat po ulit…” masayang sinabi ni Alden sa kanyang lola

hindi na makapag antay si Alden na makitang muli ang kanyang minamahal… nang biglang may bumusina

agad agad lumabas si Alden sa kanilang garden para salubungin si Yaya; agad agad namang bumaba si yaya mula sa van at nang nakita si Alden at agad agad itong tumakbo papunta sa binata at niyakap ito

sinalubong din naman siya ni Alden ng yakap

tila isang taong hindi nagkita ang dalawa sa sobrang higpit ng yakap nila sa isa’t isa

“akala ko…”

“sinubukan ko ang makakya ko Alden… akala ko hindi na niya mababasa ang sulat…”

“salamat naman at nabasa ni Lola”

at tsaka niyakap ulit nila ang isang isa ng sobrang higpit

hinawakan ni Alden ang mukha ni Maine ganun din naman si Maine… nakatitig sila sa mukha ng isa’t isa na tila minememorize ang bawat feature ng muka nila… nang magtagpo ang kanilang mga mata ay unti unti nang naglalapit ang mukha nila… nang biglang

“anong gingawa niyo grandson?” dumating si Donya Babah

napabalikwas ang dalawa

“are you planning to make my apo sa tuhod?”

namutla ang dalawa sa sinabi ng Lola ni Alden

“you are not yet married… ang sabi ko Aldrin mag simula ulit hindi ung ganito…” galit na tono ng boses ni lola babah

“so… sorry po…” nakayukong sinabi ng dalawa nanag biglang humalakhak si lola babah

“biro lang… I’m not mad hahaha come on zorry that I interrupted your moment with each other… mag meryenda na tayo…”

tumalikod at naglakad at umalis na si lola babah sa garden

samantalang ang dalawa naman ay natawa nalang sa ginawa ng lola ni Alden

nilahad ni Alden ang kanyang kamay tsaka naman ito kinuha ni Maine tsaka sila masayang nag lakad papunta sa lanai…

 

 

Itutuloy…

KALYESERYE SEASON 1: ANG TAMANG PANAHON (SEASON ENDER)

KALYESERYE SEASON 1: ANG TAMANG PANAHON (SEASON ENDER)

12278140_10203479440344898_2029621887_n

IKA-WALONG KABANATA

 

Isang araw bago ang kasal ay nasa hotel na ang mga Faulkerson at ang pamilya ni Cindy. Sa Hotel Nobu sila Cindy samantalang nasa Solaire naman ang mga Faulkerson, hindi dumating ang tatay ni Alden dahil hndi ito sinabihan ng kanyang lola dahil alam nitong tutol din siya sa kasalang magaganap.

Hindi sumabay si Alden sa kanyang Lola dahil nagpunta muna siya sa mansyon ng mga Zobeyala para makapag usap sila ni Yaya kaya gabi na nang makarating siya sa nasabing hotel.

Mugto ang mata si Alden dahil wala itong tulog at magdamag na umiyak, hirap na hirap ang make up artist kung paano itatago ang mga eyebags ng binata

“What happen to you Aldrin? I told you sabay tayo pupunta dito sa hotel!” malakas ang boses ni Lola Babah habang kinakausap ang kanyang apo dahil naiinis ito sa ginawa ng kanyang apo

“And alzo… look at ur eyez!!! You have a very very big eyebagz… you look like a panda!!!”

Kanina pa aligaga si Donya Babah at kanina niya parin pinapagalitan si Alden

“You are so pasaway Aldrin… hindi ka naman ganyan dati… na iiztrizz ako sayong bata ka!”

Aligaga at paikot ikot sa loob ng silid ang donya saman talang ang mga photographers ay hndi alm kung paano makakakuha ng magandang shot dahil na din da presenya ni Donya Babah sa loob

“Lola…” ang kanina pang tahimik na si Alden ay nagsalita na, malungkot niyang tinawag ang kanyang Lola

“What iz it apo?” Hinarap ni Donya Babah ang kanyang apo

“Wala na po ba talaga akong magagawa para hindi matuloy ang kasal na ito?”

Naiiyak na tanong ng binata sa kanyang lola samantalang nagulat si Lola Babah sa tanong ng binata kaya nag init nanaman ang kanyang ulo

“No Aldrin! You can’t do anything about to stop this wedding thiz iz all set…” desedisong sinabi ni lola babah sa kanyang apo

“Pero lola…”

“No Aldrin!!! No no no no no!!! If you are planning to escape then go! Run Aldrin… Run! If you can escape to all of my body guards…  sigi sigi sprutinik is spread on the entire hotel Aldrin… so go escape if you can. ”  padabog na sinara ni Lola Babah ang pinto nang lumabas siya dahil mag bibihis na siya.

Samantalang si Alden ay wala nang nagawa… hindi narin siya makaiyak dahil ubos na lahat ng luha niya…

Sa Mansyon ng mga Zobeyala…

“Sigurado ka na ba dito apo? Hindi na ba mag babago ang isip mo?”

Umiling lang si yaya kala lola nidora

“Ahh yaya… wala ka bang balak pigilan ang kasal?” Tanong ni Lola Tidora kay yaya

Naisip na ito ni Yaya ngunit kailangan niyang panindigan ang naging desisyon niya… hindi na siya makaiyak dahil naubos na ang luha  niya kakaiyak kagabi

“sige yaya… mag… mag ingat ka doon… tawagan mo lang kami kung kailangan mo ng tulong ha…” naluluhang sinabi ni Lola Nidora kay yaya

“Sigurado ka bang hindi ka na magpapahatid?”

Tanging iling lang ulit ang sinagot ni yaya sa kanyang lola

Hindi na nagpahatid si Divina sa airport para narin hindi siya mahirapan sa pag alis at para narin hindi mag hinala sila Alden na ngayon ang alis niya kaya pinapunta nalang ng dalaga ang kanyang dalawang lola sa kasal ni Alden at Cindy

“sige mag ingat ka doon… araw araw mo kaming ichat o tawagan sa skype ha?! mamimiss ka namin…” naiiyak na sinabi ni Lola Nidora tsaka niyakap ang kanyang apo

“sige na baka hindi pa kita patuluyin… mag ingat ka doon Divina… ROGELIO ROGELIO ROGELIO! handa na ba ang kotse?”

tumango ang mga rogelio kay Lola Nidora

“sige ahh Yaya mag ingat ka doon ah!” pag papaalala ni Lola Tidora sa kanyang apo

umalis na ang isang puting hi-ace sa mansyon kasabay ng isang itim na starex lulan naman ang dalawang lola papunta sa simbahan.

Sa Simbahan…

makikitang nandoon na sila Alden at ang iba pang kasama sa entourage at ialang minuto na lamang ay mag sisimula na; walang kaalam alam si Alden na ngayon araw din ang alis ni Yaya…

dumating ang dalawang lola sa simbahan nang nag uumpisa nang maglakad ang entourage  kaya hindi na nila nakausap pa si Alden…

tapos nang maglakad ang lahat pati si Alden, habang naglalakad si Alden ay hindi parin maipinta ang mukha nito at mukhang wala sa kanyang sarili; tutok ang mata ni Lola Babah sa kanyang apo dahil sa takot nitong tumakbo ito paalis…

nagbukas na ang pintuan… makikita ang isang babaeng dahang dahang naglalakad, naka belo at nakasuot ng isang gown na puno ng swarovski habang si Alden naman ay umiiyak hindi dahil sa saya kundi dahil sa sakit na nararamdaman… pilitin man niyang isipin na si Divina ang naglalakad ay hindi niya magawa…

naiiyak din ang dalawang lola sa pagpasok ni Cindy sa simbahan… naiiyak ang dalawa dahil wala man lang silang nagawa para sa kaligayahan ng kanilang apo at ni Alden…

habang sa malayo ay may isang babaeng umiiyak habang nanonood sa nangyayari sa loob… maya maya pa ay umalis na rin ito…

nang malapit na si Cindy kay Alden ay may binulong ang isa sa kanyang bestman

“Alden pare”

nilingon lamang siya ni Alden

“alam mo bang ngayon ang alis ni Divina papuntang New York?”

nagulat at nanglaki ang mata ni Alden sa sinabi ng katabi niya

naguguluhan siya sa nangyayari “to…totoo ba yan? e diba sa isang araw pa?”

umiling ang katabi niya “ngayon… ngayon niya piniling umalis para hindi mo mapansin… para hindi mo mapigilan…”

natigil na ang pag iyak ni Alden at nag iisip ng gagawin

“anong plano mo? andyan ang motor ko sa labas kung gusto mo mang gamitin papahiram ko sayo ang susi… mag isip ka na Alden pipiliin mo bang mawala ang mahal at ang kaligayahan mo kapalit ng pera o hahabulin at pipigilan mo  siya sa pag alis”

lalong naguluhan si Alden sa sinabi ng kasama niya… hindi na siya sumagot dahil nag iisip na ito ng gagawin para mabilis na makaalis sa simbahan… kinuha niya ang susi ngunit hindi parin ito umaalis dahil pagtingin niya sa pinto ng simbahan ay may mga naka harang na body guards ng kanyang lola

“wag kang mag alala sa likod naka park ang motor ko… itim na ducanti un”

tinanguan at nginitian niya ang kasama at tinapik sa balikad “salamat pare…”

ngunit hindi pa rin siya umaalis dahil balak niyang umalis pag nag umpisa na ang kasal…

inalalayan na niya ang kamay ni Cindy paakyat sa altar at pag upo nilang dalawa ay kinausap niya ito

“Cindy please listen…”

lumingon si Cindy sa kanya

“I know that you know that I love someone and I also know that you love someone else… nailip lang tayo sa sitwasyon na ito Cindy… I know that you’re not the one for me at I’m not the one for you…”

naguguluhan si Cindy sa sinasabi ni Alden ngunit may ideya na ito sa gagawin ng binata… saman talang si Lola Babah naman ay hindi naghihinala dahil akala lamang nito ay nag uusap lang ang dalawa

“and Cindy we know that we will not be happy if we are going to continue this nonsense wedding…”

imbis na masaktan si Cindy sa balak gawin ni Alden ay masaya pa siya dahil sa wakas ay makakalaya na siya

“we should find our happiness to the person that we love Cindy… we know that money can’t buy true happiness and it only come from the person that we love… so Cindy… I’m letting you free… I’m going to chase Divina… the person who gives me happiness and the person I truly love…”

masaya si Cindy sa naging desisyon ni Alden dahil hindi rin naman siya magiging masaya kung itutuloy pa ang kasal

“thank you Aldrin! thank you so much… go Aldrin go and chase Divina… don’t worry I’m not mad… I’m very happy on your decision… go Aldrin!”

natuwa si Alden nang nalaman niyang tanggap ni Cindy ang desisyon niya

“Thank you so much Cindy! I owe you a lot… thank you again Cindy”

at tsaka tumakbo si Alden papasok ng kumbento kung saan nandoon ang pinto palabas sa likod ng simbahan at nakita ang isang motor… pina andar niya ito tsaka pinahahurot ng mabilis kaya hindi narin siya nahabol ng mga sigi sigi sprutnik

samantalang nagulat ang Kanyang Lola Babah at ang mga bisita sa loob ng simbahan “ALDRIN! WHERE ARE YOU GOING? ALDRIN!!!!” ngunit wala na itong nagawa

samantalang lumabas narin ang dalawang Lola ni Yaya tsaka sumakay sa van nila at sinundan si Alden…

samantalang makikita si Divina na naglalakad na papasok ng eroplano dahil ano mangg oras ay mag mag boboard na ito lumingon siya saglit sa likod niya tska huminga ng malalim at pumasok na sa eroplano at pagkaupo ay muli nanaman siyang naiyak…

Nakarating na si Alden sa airport patakbo itong pumasok atlumilingon lingon sa paligid nagbabakasalaking makita si Divina…  nang nakarating ito sa waiting area ay may nakita siyang isang babaeng nakatalikod at naka pusod ang buhok… napangiti siya… dahan dahan siyang lumapit dito at tinapik ang balikad ngunit pag lingon ng babae ay hindi pala ito si Yaya… nagpunta siya sa counter at nagbabakasakaling hindi pa nakaalis o na cancelled man lang ang flight… ngunit nakaalis na pala siya… huli na ang lahad

 

balisa at umiiyak na nagllakad ito palabas ng airport… nakita siya ng mga lola at nilapitan siya…

“Alden apo…” hindi na napigilan ni Alden na yakapin ang dalawang lola habang umiiyak

“la… ini… iniwan na niya ako… iniwan na ako ni yaya…” tila isang batang inagawan ng candy ang pag iyak ni Alden

“wala na po siya…. iniwan na niya talaga ako….” patuloy na umiiyak si Alden habang yakap ang dalawang lola

 

Itutuloy…

 

Posted from WordPress for Android

KALYESERYE SEASON 1: ANG TAMANG PANAHON (SEASON ENDER)

KALYESERYE SEASON 1: ANG TAMANG PANAHON (SEASON ENDER)

12278140_10203479440344898_2029621887_n

IKA-PITONG KABANATA

Gabi na ay magkasama pa sila Cindy at Frankie sa isang kilalang bancheto sa lungsod ng Makati, galing silang dalawa sa luneta dahil pinasyal ni Frankie si Cindy sa nasabing lugar;

“eww Frankie what is this?” nandidiring tanong ni Cindy sa kanyang hawak

“Cindy… it’s not kadiri… its delicious!”

“but… its so gross..”

“Ohh Cindy that’s what you called balot”

dinala dito ni Frankie si Cindy para patikman ng mga sikat na exotic food sa Pilipinas, nauna na nilang kainin ang isaw, adidas, dugo at iba pang ihaw ihaw at nagulat si Frankie na sarap na sarap naman ang dalaga dito…

“poor bird… is this really edible?”

“of course Cindy I won’t let you try that if isn’t edible…”

“but I imagine that if I eat this I am also eating tweety bird…” naaawang tinitignan ni Cindy ang laman ng balot habang kinakausap si Frankie

“oh Cindy just don’t think about that… just… just try it, if you want lets eat balot together” pangungumbinsi si Frankie kay Cindy

“hmmm.. okay! come on lets eat this together” at tsaka kumuha ng isa pang balot  si Frankie at tsaka ito binutasan

“first, lets  sip the broth inside” tsaka nila sabay hinigop ang sabaw sa loob, at nagulat si Cindy dahil hindi niya inaasahan na masarap pala ito

“hmmm… its so masarap Frankie!” masayang sinabi niya sa binata

“see I told you its delicious… nest thing to do is to remove half of the shell of the egg so we can start to eat the little bird inside” dahang dahan pinakita ni Frankie kung paano ito balatan

“ohh Frankie… are you sure that this is safe to eat?” tanong ni Cindy dahil hanggang ngayon ay makikita mo parin ang pagkaawa ni Cindy sa ibong nasa loob

“of course Cindy… I told you its safe and its delicious! come on, lets eat the half together in 3…”

“2…” sagot ni Cindy

tsaka nila sabay na kinagat ang kalahati ng balot… nang una ay naduwal pa si Cindy ngunit nang unti unti niya itong nangunguya ay nasarapan narin siya…

hindi niya napigilang hampasin si Frankie na naging dahilan ng pag kakabitaw nito sa kanyang balot “OHH FRANKIE!!! you’re right! its so delicious!!! its very masarap… I want more! lets go!!!” masayang sinabi ni Cindy kay Frankie

at si Frankie naman ay hindi matanggal ang ngiti sa kanyang mga mata habang hinihila siya ni Cindy papunta sa nag titinda ng balot.

Habang sa mansyon naman nila Lola Nidora…

makikitang nag eempake na si Yaya ng kanyang mga damit para sa nalalapit niyang pag alis; makikitang malungkot ang kanyang mukha at tila may hinahanap ang kanyang sarili…

“ahh yaya hindi ba orientation pa lang ang pupuntahan mo?! bakit ata tila dun ka na titira?” nagtatakang tanong ni Lola Nidora dahil halos dalhin na ni yaya ang lahat ng laman ng kanyang kabinet

ngunit walang sinago si yaya kay Lola Nidora

“ahh ate noon… naalala mo ba noon? nung umaalis ka yang si yaya laging naka angkla… laging sabit sayo bago ka umalis… ayaw bumitaw at iyak ng iyak…” pagbasag ni Tidora sa katahimikan

“oo nga…oo! natatandaan ko yun hirap na hirap ako noon maglakad palabas ng mansyon dahil ayaw niya akong paalisin eh… may pupuntahan lang naman ako sa ibang bansa noon babalik rin naman ako… hayy ang bata mo pa noon divina….” pang sang ayon ni Lola Nidora sa kanyang kapatid

“naalala mo ba noon Divina… divina?! napaka pihikan mo sa pagkain alam ni Tidora yan… diba Tidora?”

“oo nga ang hirap mong pakainin noon lalo na pag gulay ayaw na ayaw mo ng lasa noon…”

“inuuto uto ka pa namin noon para lang mapakain ka namin… parang ganito brummmm mmm nga nga!” ginawa pa ni lola ang parang ginagawa nila noon kay yaya

“talaga po ba lola?” nakangiting tinanong ni Divina ang kanyang mga Lola ngunit mapapansin parin ang lungkot sa kanyang mga mukha

“oo totoo un…”

“at tsaka yaya naalala mo pa ba noon? inaudition ka namin sa Little Miss Philippines! wala pang pabebe wave noon ang uso lang ay yung parang electricfan ang wave parang ganito oh” masayang pag papaalala ni Lola Tidora sa kanyang apo

“oo… oo ganyan nga… ganyan ka noon Divina naalala mo pa ba?”

“kaya lang hindi tayo noon naka abot sa audition… na traffic tayo sa EDSA… sayang nanalo ka sana dun..”

“sayang na sayang ako nung araw na yun… ang bagal mo kasing sumingit sa mga sasakyan Tidora…”

“ako pa ba ate? hindi ko kasalana un noh… pero may magandang kapalit naman yun… hindi man nakaabot sa audition ng Little Miss Philippines si ate kinukuha naman sa suffer sireyna ah hahahahaha ah hahahahaha” natatawang sinabi ni Lola Tidora ngunit sinamaan siya ng tingin ni Lola Nidora

“oo hahaha hindi rin naman ako natanggap noon sa audition kasi ano… ang audition mag boboxing na may piring sa mata hahaha pero ang natamaan ko yung audition master hahahaha”

“kaya ayun… na ban tayo hahahahah”

masayang inaalala ng dalawang lola ang nang yari noong araw ngunit hindi parin masaya si Yaya at napansin rin naman ito ng dalawang lola

“ahh yaya siguro pagod ka… sige iwan ka muna namin may kikitain lang ako sa BGC”

“ahhahaha ate ano yan? ayiee si Jimmy ba yan?” pang aasar ni Tidora sa kanyang kapatid

“anong jimmy ka diyan… iba to hindi to para sakin… o siya sige aalis na muna ako…”

“sige ate mag ingat ka! at ako’y mag bebeauty rest lang” umakyat na si Tidora samantalang naglalakad na si Lola Nidora papunta sa helipad

“ROGELIO ROGELIO ROGELIO!!! handa na ba ang chopper? traffic sa EDSA at C5 ayoko mag kotse”

tanging tango lamang ang sinagot ng mga Rogelio kay Donya Nidora at pagkatapos ay umalis na sila.

Maaga ng sampung minuto nang dumating si Lola Nidora sa isang coffee shop sa bonifacio high street, habang nag aantay iniisip na niya ang mga sasabihin sa kikitain niya

“Hallo Lola Nidora” nagmano ang isang maputi at matangkad na babae sa kanya

“Hallo Cindy! you seat… you seat… I’m glad that you granted my request to have a little brunch here in high street despite of your busy schedule for your… *ehem* wedding” malugod na sinabi niya kay Cindy

“ohh that’s okay lola”

“uhmm before we start lets order first” pag aalok ni Lola sa dalaga

pagka hain sa kanilang lamesa ay inumpisahan nang kausapin ni Lola Nidora si Cindy

“ahh Cindy the reason why I invited you to this brunch is to ask something”

natigil si Cindy sa pagkain tsaka nagtanong kay Lola Nidora “what is it Lola?”

“Cindy before I start will you please be honest? to be honest to answer all of my question?”

“sure lola I will” naka ngiti niyang sinagot ni Lola

“ahh Cindy… what is the real score between you and Frankie?”

natigilan ang dalata sa pag kain at tila hindi alam ang isasagot “I really don’t know lola… I have no idea”

“hmmm I see… do you like him? do you like Fankie?”

matagal bago nakasagot ang dalaga kay Lola Nidora

“you know Lola I’m getting married with Aldrin… but Frankie is so nice and so amazing… he’s better than Aldren” masayang sinagot ni Cindy si Lola Nidora

“and you know what lola?! He’s a unique guy and fun! and I love to spend time with him… but I’m getting married… he’s.. he’s late…”

“I see.. but did you tried to talk to Lola Babah about it? if you don’t love Alden you should not get married with him… you know what Cindy love is not a game you should be sure and serious about it”

“I know lola but we get divorce anytime we want”

“no Cindy! no no no no no…. that’s not how it should be, we don’t believe in divorce… marriage is sacred its a promise to love each other forever…”

“but I have to do it for my family’s business… if I’m not going to do it we will be bankrupt”

napahinga nalang ng malalim si Lola sa mga narinig niya

“but Frankie is also rich… he’s richer than Alden don’t you consider marrying with him?”

napaisip si Cindy sa sinabi sa kanya ni Lola Nidora

“I’m sorry Cindy… I didn’t mean to say it…”

“no… it’s okay lola… I can also see that Alden is not happy with his lola’s decision… I’ll think about what you say lola”

“ok Cindy… thank you for your understanding… let’s finish this so we can go… thank you again”

sa kabilang dako naman ay nagkita si Alden at Frankie sa libis

“Alden pare… I promise you… I promise you that I will help you on this situation”

si Frankie mismo ang gumawa ng paraan para magkausap sila ni Alden dahil nalaman niya ang pinag dadaanan nila ni Yaya, tahimik lamang si Alden habang nakikinig kay Frankie

“You know what Alden I think I am starting to like Cindy… lugi ako pare haha”

mahinang tawa ni sinagot ni Alden

“tsaka Alden tutulungan talaga kita… ayoko namang masayang ang sakripisyo ko para sa inyo ni Yaya… sayang…”

naalala ni Frankie ang kasal nila ni yaya na hindi natuloy… naisip na na may dahilan nga siguro kung bakit hindi iyon natuloy… ang dahilan na hindi para sa kanya si Yaya

“sayang ang relasyon niyo… sayang ang pinagdaanan niyong dalawa… alam ko lahat Alden… alam ko… ang mga pag papahirap sayo ni Lola… kung tatanungin mo kung pano ko nalaman? may paraan ako haha”

natuwa si Alden sa mga sinabi ni Frankie dahil hindi niya akalaing ang dahing karibal ay syang tutulong sa kanya ngayon

“basta Alden I will do my best… gagawin ko ang lahat para matulungan kang hindi matuloy ang kasal niyo… sige na pupunta ka pa kila yaya diba?”

“oo pare salamat ah… salamat talaga… aasahan ko yan” sagot ni Alden kay Frankie bago siya umalis.

lingid sa kaalaman ni Lola Nidora at Alden mag kikita pala si Frankie at Cindy dahil mamamasyal naman ang dalawa sa City of Dreams

kasabay ng paglapag ng chopper na sinasakyan ni lola nidora ay siyang pagdating ni Alden sa mansyon, pagkapasok na pagkapasok ni Alden sa mansyon ay agad siyang nagtungo sa pintuan at kinatok ito

“Lola Nidora? lola? Yaya?” sunod sunod na katok niya

saktong pagpasok ni Lola Nidora sa mansyon ay narinig niya ang katok ni Alden sa pintuan at siya na mismo ang nagbukas nito

“oh Alden apo anong ginagawa mo dito? ano ang nagdala sayo para sumugod dito sa mansyon? kukunin niyo na ba ito?”

agad na nagmano si Alden kay Lola nidora tsaka sinagot si Lola

“hindi po… gusto…. gusto ko pong magkausap kami ni yaya ng personal… please lola wag niyo naman po akong pigilan sa bagay na iyon…”

napa buntong  hininga ang matanda tsaka sinagot si Alden “o siya pag usapan niyo yang problema niyo… andun siya sa kwarto niya… si ko lang alam kung gising na natulog nung umalis ako eh…”

agad agad na tinakbo ni Alden ang hagdan paakyat ng mansyon kung saan nandon ang kwarto ni yaya

nang nakita na niya ito ay agad niya itong kinatok

“yaya? gising ka ba? andito na ako… magusap naman tayo oh pleasee” pag mamakaawa ni Alden sa labas ng pinto

lingid sa kaalaman ng lahat hindi pala nakatulog nni Divina dahil pag pumipikit siya ay nakikita lang niya ang mukha ni Alden na umiiyak… narinig niya ang pagkatok at ang boses ni Alden sa labas ngunit ayaw niyang buksan ang pinto

“divina… mag usap naman tayo oh… ayusin natin to… hindi ako naniniwala sa sinabi mo… alam ko na… alam kong mag aaral ka ulit… mag usap naman tayo oh…”

sunod sunod parin ang katok niya sa pinto, sinubukan niya pihitin ang doorknob kung ito’y naka lock pero nagulat siyang hindi pala… dahil nakalimutan na ito ilock ni yaya bago siya mahiga sa kama

narinig ni Yaya ang pag pihit sa doorknob agad itong humiga at nakaharap sa bintana para hindi makita ni Alden na gising siya… pero mautak si Alden dahil pumunta agad ito sa pwesto kung saan naka harap si yaya at tsaka lumuhod para magtagpo ang mga mata nila…

ngunit agad iniwas ni yaya ang kantang tingin

“divina… kausapin mo naman ako oh…” nakatingin ng deretso si Alden kay yaya habang nag sasalita

limang minutong walang nagsasalita… biglang bumangon si yaya at naupo sa gilid ng kama samantalang si Alden ay nasa harap niya parin

“Alden…nasabi ko na ang lahat…” malungkot na sagot ni yaya kay alden

“ang labo mo naman…”

“ako pa ung malabo? ako pa ung malabo Alden? lininaw ko na nga sayo ang lahat ngayon ako pa ung malabo? ginwa ko yun… ginawa ko un para hindi ka na nga mahirapan diba?!… Lola mo nalang ung piliin mo Alden…” paiyak na sinabi ng dalaga kay Alden tsaka tumayo at nagpunta sa harap ng bintana, sumunod naman si Alden tsaka tumayo sa likod niya;

“yun ba talaga yung problema?” nag aalinlangang tanong ni Alden dahil hindi siya naniniwala na sinabi na ni yaya sa kanya ang lahat

“kung ano ung sinabi ko yun na yon” matapang na sagot ni yaya tska nag punas ng luha

“o baka naman ung kagustuhan mong mag-aral ulit?” natahimik si yaya sa sinabi ni Alden, hindi niya alam kung paano nalaman ni Alden ang tungkol dito

sinubukang kunin ni Alden ang kamay ni Yaya “Yaya kausapin mo ako please… gusto ko malinaw ang lahat…” ngunit nagmatigas parin ang dalaga at hinila pabalik ang kanyang kamay “please yaya… please”

lingid sa kaalaman nilang dalawa ay nakikinig na pala ang dalawang lola sa labas ng pinto

nagkaroon ng sampung minutong katahimikan dahil nag aabang sila kung sino ang unang  magsasalita sa kanilang dalawa; ngunit sa sampung minuto na ito ay nag uumpisa nang umiyak ang dalawa

“mabuti nalang ngayon nangyari satin ang ganito… kasi… kasi hindi pa tayo… hindi… hindi ganun kasakit…” nakangiti ngunit naiiyak na sinabi ni yaya

“hindi pa nga… naghahanda palang naman tayo papunta dun eh… nag sisimula palang sumusuko ka na?” naiiyak na sinabi ni Alden kay yaya

“Alden para sayo naman tong ginagawa ko eh… sana… sana naiintindihan mo…” hinarap ni yaya si Alden

hinawakan ni Alden ang kamay ni Yaya at deretsong nakatingin sa mga mata ni Yaya ngunit umiwas si Yaya dahil sa sakit na nararamdaman

“pakinggan mko ako ah… pakinggan mo… paano ako lalaban? paano ako lalaban kung wala akong pinaglalaban?” lalo pang lumakas ang iyak nilang dalawa

“alam mo… naiintindihan naman kita eh… naiintindihan ko yung mga pangarap mo… alam ko gusto mo ring bumalik sa pag aaral… pero yun ba ung dahilan? kasi kung yun ang dahilan susuportahan naman kita eh… susuportahan kita… ganun kita kamahal… handa akong mag antay na makatapos ka… sabihin mo lang… hindi ako magiging panggulo sa pag aaral mo… kahit ihatid sundo pa kita araw araw wala akong pakielam… please… wag lang yung ganito…”

lumakad palayo si Yaya at tinalikuran ulit si Alden

“yun ba talaga?… sabihin mo sakin…” nagpunas si Alden ng luha tska hinarap sa kanya si Yaya at niyakap

bumitaw si Alden sa yakap tsaka hinawakan ang balikat ni Yaya “ngayon sabihin mo sakin…  sabihin mo sakin… tumingin ka sakin… tumingin ka… alam mo nung sinabi mo sakin na hindi mo na ako mahal at may mahal kang iba dun palang nadurog na ako eh… durog na durog… ngayon… tumingin ka sakin please… please…”

ngunit hindi parin makatingin ng si yaya kay alden

“please…. ngayon sabihin mo sakin na wala na… sabihin mo na tapos na… titigil na ako… titigil na ako…. susundin ko na ung gusto ng lola ko… sabihin mo kung wala na… sabihin mo ku…”

napigil ang sasabihin ni Alden nang bigla siyang niyakap ni Yaya

a hug that lasted for 5 mins but for Alden it was like he is hugging yaya for the rest of his life… in this moment Alden feel secure and safe…

pinutol ni Alden ang yakap kahit labag ito sa kanya tsaka hinarap si Yaya

“ngayon sabihin mo sakin kung wala na dapat akong hintayin… titigil na ako…”

ang sunod na sinabi ni Yaya ang lubos na dumurog sa durog na puso ni Alden… ang salitang hindi niya inaasahang sasabihin ng dalaga

“Alden… wala na… a.. ayoko na… ayoko na…” naiiyak at labas sa loob na sinabi ni Yaya kay Alden

hindi na kinaya ni Alden ang lahat biglang  nalang siyang napaluhod at patuloy ang malakas na pag iyak; tinatayo siya ni yaya ngunit hindi niya kaya dahil narin sa panghihina dahil sa mga nangyayari…

“Alden… salamat… salamat sa lahat ng sakripisyo mo…maraming sala… maraming salamat sa…. sa lahat…” hindi alam ni yaya kung saan niya nahugot ang lakas para makapag salita pa…

“hindi ko makakalimutan lahat ng yun… salamat Alden… sana maging masaya ka…” mas lalo pang lumakas ang iyak nilang dalawa

tumayo na si Alden at pagtayo niya ay agad na pinunasan ni Yaya ang mga luha sa kanyang mga mata…

at sa huling pagkakataon ay niyakap nila ng mahigpit ang isa’t isa

“thank you…” sabi niya sa gitna ng kanilang iyakan

pagkatapos ng mahigpit na yakap ay pinutol na ito ni Alden tska dahan dahang naglakad palayo kay Yaya… and for the last time nilingon niya ito…

the way he look is like he is memorizing every detail in the face of the girl he love… the girl that he will see for the last time…

at pagka alis ng binata sa silid ay siya namang pasok ng dalawang lola at niyakap ang umiiyak na dalaga…

 

Itutuloy…

 

 

 

KALYESERYE SEASON 1: ANG TAMANG PANAHON (SEASON ENDER)

KALYESERYE SEASON 1: ANG TAMANG PANAHON (SEASON ENDER)

12278140_10203479440344898_2029621887_n

IKA-ANIM NA KABANATA

Maagang nagising si Alden para maghanda sa weeksery nila ni Divina; alam niyang ngayon may mag kaaway sila ngunit kahit ganun pa man ay naghanada parin siya para sa araw na ito. “Yaya magkita tayo mamayang 11:30, sa dating lugar…. Happy Weeksery :): “ text ni Alden kay Divina ngunit dumaan ang mga oras ay hindi nakatanggap di Alden ni isang reply mula kay Divina.

Habang sa mansyon naman ay makikitang nag aayos ng papeles si Yaya Dub kasama ang kanyang Lola Nidora

“Divina! sigurado ka na ba diyan?”

“Opo… siguradong sigurado na po”

“hayy… dati nag aral ka ng culinary arts ngayon naman business management naman”

“lola maganda po ito… malay niyo po in the future makapagpatayo po ako ng restaurant tas ipapangalan ko sa inyo “Lola Nidora’s Sumptuous Dishes” ohh diba la ang ganda” pagkukumbinsi ni Divina sa kanyang Lola

“hay naku tigilan mo nga ako sa sumptuous sumptuous na yan may naaalala lang ako…” nayayamot na sinabi ni Lola Nidora kay Divina dahil pag naririnig niya ang salitang iyan ay si Lola Babah ang kanyang naaalala

“alam mo nag culinary arts ka ni hindi ko nga natikman ang luto mo eh…”

sasagot sana si yaya ngunit biglang nag ring ang telepono ni Lola Nidora… tumatawag pala ang kanyang kapatid na si Tidora

“Oh bakit Tidora?”

“naku ate matutuwa ka sa sasabihin ko!” masayang sinabi ni Lola Tidora sa kabilang linya

“bakit? nakahanap ka na ba ng sale? alam mo namang mag papasko na kailangan nating magtipid para sa mga regalo… short ang budget natin ngayon”

“hay naku ate ano ka ba?! anung sale ka diyan… nakita ko si Frankie hahaha”

“oh ano namang nakakatuwa sa nakita mo?”

“ano kasi… kasama niya si Cindy… WHOOOO!! ang ang saya nilang dalawa ate… hindi kaya may relasyon na sila? hahaha”

“ano ba yan tidora bakit tawa ka ng tawa? alam mo wag kang mag isip ng ganyan malay mo acquaintance lang yang dalawang yan…”

“hindi ate eh ang saya nila hahaha naku pag naging mag on tong dalawang to hindi ma matutuloy ang kasal nila ni Alden at sasaya na ulit sila ni Divina! hindi ba ang saya ate?!”

“wag ka munang mag isip ng ganyan Tidora… tandaan mong di Lola Babah ang may gusto sa kasal…”

“yun nga ate eh si Donya Babaha ng may gusto hindi gusto nung dalawa….”

“Tidora wag na tayong mangeelam diyan… wag na tayong manghimasok… antayin na lamang natin ang mangyayari….”

“hay naku ate… sige na nga byee… ay teka may ipapabili ka ba?”

“itetxt ko na lang sayo Tidora sige na mag enjoy ka na diyan bye…”

pagka baba ni Lola sa kanyang telepono ay tsaka nakabalik si Yaya sa sala dahil kumuha ito ng meryenda para sa kanilang dalawa

“sino po ung tumawag lola?”

“ang lola Tidora mo”

“ahh ganun po ba…”

“bumalik nga tayo sa pinag uusapan natin… sana naman eh buhay pa ako sa ribbon cutting nyang restaurant mo…”

“syempre naman lola! ito naman kung ano anong iniisip…”

“pero alam mo ba dapat kung anong pinag aaralan mo? cardiology…”

“teka lola diba yun ung sa  pag aaral sa puso?”

“oo…” biglang nalungkot si Divina dahil may naalala nanaman siya

“lola… ayan nanaman kayo… pinapaiyak mo nanaman ako…” at biglang kinuha ni Meng ang kanyang mga papeles para ayusin ulit para ituon ang atensyon sa ibang bagay

“Kasi naman Meng… para maintindihan mo ung puso mo… baka kailangang gamutin…”  at natigilan si Meng sa pag aayos ng mga papeles

“masakit ano?! kaya kita iniingatan noon… alam kong dadaan sa ganyan yaya… hayy wala namang pagibig na puro rosas ang dinadaanan… ang malimit puro tinik ang kailangang lagpasan…” tahimik na nakikinig si Yaya sa kanyang Lola

“tapatin mo nga ako maine, totoo ba yung sinabi mo kahapon na hindi mo na siya mahal? narinig ko yun…”

“lola wala na po kasi akong ibang paraan na naisip para hindi mahirapan ai Alden eh..” at nagsisimula nang mamuo ang luha sa kanyang mga mata…

“kasi po…  kasi po sa tingin ko… hang…hanggat umaasa siya hanggat may inaasahan siya hindi po siya bibitiw eh… ayoko naman pong suwayin niya yung lola niya… ayoko rin naman po ung patago tago siya…” naiiyak na sinabi ni Yaya sa kanyang Lola

“ano… ano po bang pwede niyang gawin? ano pong pwede kong gawin para sa kanya? kasi po… kasi po lola ang dami na niyang naisakripisyo para sa akin eh ang dami dami na po… hindi man po nakikita ng iba pero sobrang dami na po… ang dami narin po niyang hirap na pinag daanan… ako… wala pa…” malungkot na sinabi ni yaya

“kaya ko lang naman po sinabi yun… para… para hindi na siya mahirapan pa… para mas maging madali po para kay Alden… kilala ko po siya… kilala ko po si Alden lola…  hanggat umaasa siya lalaban siya eh…” tahimik namang nakikinig si Lola sa gilid niya at naghahanap ito ng salitang sasabihin sa dalaga

“pero pag ako po siguro ung tumalikod… kapag ako na ung bumitaw sa kanya baka po mas maging madali na para sa kanya…” natatawa ngunit malungkot na sinabi ni yaya

“ang hirap… ang hirap narin po kasi nung pinag dadaanan niya eh… naaawa na po ako sa kanya lola parang nagiging pasakit na ako sa kanya… kasi po lola hindi naman po kami pwedeng magsama nalang bigla… hindi… hindi naman po pwede umalis nalang kami bigla… hindi rin naman po tama yun diba?! kasi po… kasi bata pa naman kami baka sa huli kami lang rin ang magsisi sa desisyon namin… lola tulungan niyo kami…”

huminga ng malalim si Lola bago mag salita “Maine… alam  kong hindi ka masaya sa naging desisyon mo… malungkot ka kitang kita ko sa mga mata mo… pero alam mo ang problema hindi tinatakasan yan, inaayos yan… hinahanapan ng solusyon… kung gusto mong hindi siya mahirapan eh pwede niyo namang kausapin ng personal si Lola Babah baka kung sakaling ganun eh pumayag na hindi na ituloy ang kasal…” mahinahong payo ni Lola kay Yaya

“at tsaka isa pa tama yang hindi ung umalis na lang kayo bigla… yung magtanan ba… kasi mali yan… tsaka isa pa mag usap… mag usap kayong dalawa hindi ung ganitong aalis ka nalang bigla… sa tingin mo ba Maine eh hindi siya malungkot sa ginawa mo? sa tingin mo ba eh hindi siya mahihirapan?” tanong ni Lola sa kanyang apo tanging iling lang ang sinagot ni Yaya kay Lola

“Alam mo mas mahihirapan yun… mas mahihirapan si Alden sa naging desisyon mo… hindi yun magiging madali para sa kanya apo… kailangan ka niya ngayon… kailangan niya ng karamay, karamay sa mga pinag dadaanan niya… kailangan niya ng taong sosoporta sa kanya ngayon, ngayon na nahihirapan siya sa sitwasyon niya”

“alam mo ang problema hindi tinatalikuran yan… hinaharap yan… at ang problema ang mas mag papatatag… magpapatibay sa relasyon niyo… kung magpapatalo kayo diyan… walang mangyayari… pero yaya…” tawag ni lola sa kanyang apong umiiyak sa kanyang balikat

“ikaw naman ang may hawak sa puso mo… nung dumating ang tamang panahon binigyan kita ng pagkakataon… pagkakataon na mahanap ang tunay na pag ibig… kapit lang… kapit lang maine pag inisip mo ang kabutihan at kaligayahan ng isang tao yun ang pag ibig… kung para sa kabutihan ni Alden yan… naiintindihan kita, alam ko… alam ko naman na may nararamdaman kayo… may nararamdaman kayo para sa isa’t isa pero hindi ibig sabihin nun mag mamadali na… diyan maraming nadadapa, diyan maraming nasasaktan…” at naiyak muli si Maine sa mga sinabi ng kanyang lola

samantalang sa lugar kung saan nag aantay si Alden ay tinawagan niya ang kanyang lola… ang lola niyang ayaw makipag usap sa kanya ng personal… lagi itong wala sa kanilang mansyon… nalaman ni Alden na nasa Switzerland pala ang Donya Babah at nagbabakasyon…

hindi dumating si Maine sa date sana nila ngayong weeksary nila… naka ilang tawag si Alden ngunit hindi ito sinasagot ni Maine ngunit sa pang 19 na tawag ni Alden ay sinagot na ito ni Maine

“Maine… maine kausapin mo naman ako oh… please?”

hindi sumagot si Maine sa kabilang linya… nakikinig lamang ito habang nagpipigil ng iyak dahil ayaw niya itong iparinig kay Alden

“Maine… pano ako lalaban kung susuko ka?! ginawa ko naman ang lahat… kahit malunod… madapa… ipabugbog… masaktan man ako … dahil alam ko… alam kong kahit anong hirap… nag hihintay ka sakin…” naiiyak na sinabi ni Alden

“hindi ko pwedeng talikuran ang Lola ko… diba ikaw din naman tulad sa pagtupad mo sa utos ng lola mo?! ganyan ka din… pero… pero hindi un ang sagot… hindi un ang sagot alam ko…”

“Maine please…. wag kang sumuko… kung susuko ka na talaga baka hindi ko kayananin… baka hindi ko kayanin kasi sayo ako kumukuha ng lakas… lakas para pagpasan ang lahat ng ito…”

wala paring sinabi ni isang salita si Maine sa kabilang linya ngunit todo na ang iyak nito… ang naisip ang desisyon na nagawa niya

“Maine… antayin mo ako…  antayin mo ako diyan…pupuntahan kita Maine… mag usap tayo… antayin mo ako…”

binaba ni Alden ang telepono tsaka sumakay sa motor niya at umalis papunta sa mansyon nila Maine;

 

Itutuloy…

KALYESERYE SEASON 1: ANG TAMANG PANAHON (SEASON ENDER)

KALYESERYE SEASON 1: ANG TAMANG PANAHON (SEASON ENDER)

12278140_10203479440344898_2029621887_n

IKA-LIMANG KABANATA

 

Makikitang nag uusap si Lola Nidora at Lola Tidora sa kanilang lanai…

“Ate… ate anong gagawin natin? wala na ba tayong magagawa para mabago ang isip ni Donya Babah?”

“Anong magagawa Tidora? wala na tayong magagawa… teka nga, RIHANNA! Rihanna!”

lumapit si Rihanna kay Donya Nidora “Bakit po Lola Nidora?”

“Ikuha mo nga kami ni Tidora ng meyenda, tsaka linisin niyo narin ang kwarto ni Donya Tinidora niyo… darating na yun ngayon linggo”

“si… sige po” sabay umalis si Rihanna

“Nasaan na nga ba tayo Tidora? ahh dun sa mga plano ni Donya Babah”

“Oo ate wala na ba tayong magagawa para mabago ang plano niya?” nag aalalang tanong ni Lola Tidora sa kanyang ate

“Wala na tayong magagawa sa plano ng Donya Babah… sino ba naman ako diba?! desisyon niya yun buhay niya yun… wag na natin pakielaman… desisyon niya yun wag na tayong manghimasok baka lalo lang lumaki ang sitwasyon…” pangangatwiran niya sa kanyang kapatid

“pero ate… bat kasi ganun ang gusto ni Donya Babah”

“hayy ewan ko ba diyan kay Donya Babah… nakiusap na ako para bigyan ng panahon ang mga bata pero matigas… ayaw niya makinig para daw sa negosyo nila sa Russia… what can I do?!”

“hayy ate paano na si yaya ang lungkot niya… teka papayagan mo ba siya, si yaya?”

“plano niya yun Tidora… malaki na siya alam na niya kung ano ang dapat gawin… kung ano ang tama at mali kaya bakit pa natin siya pipigilan? andito tayo para gumabay sa kanya hindi para diktahan siya sa buhay niya… at tsaka para sa kabutihan niya yun suportahan nalang natin para naman matupad ang mga pangarap niya…”

uminom ng kape ang magkapatid…

“at tsaka Tidora nakikita ko rin naman kung gaano kalungkot si yaya sa mga pangyayari… nasasaktan din ako bilang lola niya… pero bahagi yan ng buhay niya… kailangan niya yan… kailangan niya ang mga pagsubok na yan sa buhay para naman matuto siya… diyan siya matututo… tayo rin naman Tidora, lahat ng tao sa pagsubok ng buhay natututo… nagiging matatag…”

“sabagay ate… may punto ka diyan” pang sang ayon ni Tidora

“tsaka kaya ayoko rin sana siya umibig dati… mahirap bata pa siya para sa pag ibig na yan… pero hindi naman pwede dahil hindi pwedeng diktahan ang nararamdaman… di pwedeng diktahan ang puso…”

“sabagay ate… sabi nga nila It’s better to have loved and lost than to have never loved at all…”

“o diba…”

biglang may nag door bell sa mansyon, nilapitan iyon ni Rihanna at tinanggap ang tatlong envelop tsaka pumunta sa mga Lola na nag memeryenda sa lanai

“ano ito Rihanna?”

“hindi ko ho alam Lola Nidora dineliver lang po…”

“sige sige salamat…”

binasa ni Lola Nidora kung kanino naka address ang mga sulat… at napag alamang sa kanila ni Lola Tidora at Yaya DUB ito naka address; pag bukas ng sobre ay nagulat ito sa nakasulat… ang imbitasyon pala sa kasalang Alden – Cindy…

“naku ate hindi ito pwedeng makita ni Yaya malulungkot nanaman iyon…”

“kaya nga itago mo da…”

nang biglang narinig nila ang yabag ng paa ni Divina pababa ng hagdanan…

masaya itong papalapit kala lola habang tumatalon talon pa

“Hi LOLA!!!”

“Tidora itago mo dali andyan na siya…”

“teka ate..”

“Hi Lola anu po iyan?”

“ahh wala ito may telegrama lang”

“uso pa ba yun Lola?”

“aba’y oo naman sa aming mga senior… malay ba namin diyan sa pa chat chat email email tsaka sa pag tetweet…” palusot ni Lola nidora

“ahh ganun po ba…” ngunit hindi parin naniniwala ni Yaya Dub

“oo nga pala saan ka galing?”

“ahh kakakuha ko ang po ng NSO birth certificate ko tsaka yung ibang requirements para dun sa scholarship ko sa New York”

“ahh ganun ba… buti nakapasok ka diyan ang tagal mong ipinagdasal yan…”

“oo nga po eh… tsaka para rin po mapunta sa iba ang atensyon ko…”

“mabuti yan mabuti yan…”

“ahh teka yaya ano nga pala kukunin mo?”

“business ad po… malay niyo po maging magaling na business man ako diba para naman mapalago ko yung kompanya niyo lola…”

“ahh ganun ba teka… paano kayo ni Alden?”

“lola…” malungkot na sagot ni Yaya at makikitang paiyak na ito

“Yaya wag kang ganyan naiiyak din ako…”

“ahh ehh… magbihis kayo… lalabas tayo” pagbasag ni Lola Nidora sa katahimikan

“talaga ate? san tayo pupunta?”

“dyan sa garden maglalakad lakad…”

“ano ba naman yan lola akala ko naman sa mall”

“biro lang sa mall nga tayo pupunta…”

ginawa ito ni Lola Nidora upang mawala ng kalungkutan ni Yaya at para narin maka pasyal sila…

nang gumabi ay napag desisyonan nilang maghapunan sa Solaire… ngunit hindi nila inaasahang nandon din si Frankie Arinoli

“LOLA!!! how are you?”

“Frankie! *sabay beso sa binata* bumalik ka na pala dito sa Pilipinas…”

“Yes Lola just this morning… you know I miss the weather of our country… oh BTW Hello Yaya!” masayang bati nito kay Yaya

“oo nga pala Frankie nahihiya pa ako sa nangyari dati…”

“ohh lola… its nothing… I’ve moved on… btw yaya why you’re so sad? do you have problems?”

“wala akong problema” naiiyak na sabi ni yaya dahil naaalala niya nanaman lahat ng problema niya ngayon

“really?but it seems like you have” pangungulit ni Frankie

“wala nga… wala… WALA AKONG PROBLEMA” napalakas ang boses ni yaya st nakuha ang atensyon ng ibang tao makikita narin itong may tumutulo nang luha sa mga mata

“Divina…” suway ni Lola Nidora

“sorry po lola…” sabay yuko ni Yaya

“ganun ba pero sorry padin, naging mapusok ako sa desisyon dati…”

“its okay lola… I already forgive you… btw lets eat its my treat…”

“ganun ba sige salamat”

makikita silang masayang kumakain at nag kekwentuhan nang biglang may lumapit…

“ohh Lola Nidora is that you?”

nagulat si Lola Nidora, Tidora at Yaya sa boses ni Cindy, hindi nila akalaing nasa iisang kainan lang sila ngayon…

“wha…what are you doing here Cindy?”

“we’ll I’m planning to take my dinner here then I saw you…”

“ohh I see… by the way, who’s with you?”

“ohh its just me… Lola Babah ang Alden is at the mansyon”

nabitawan ni Yaya ang kutsara at tinidor sa narinig

“ahh btw yaya, I wat to meet you personally… as a friends…”

“ahh ehh Cindy… why don’t you join our table for dinner?”

nagulat si Yaya sa desisyon ito ni Lola

“lola bakit po?” bulong ni yaya kay lola Nidora

“pagbigyan mo na apo… bat di mo siya bigyan ng chance… since alam naman nating si Donya Babah ang may gusto sa kasal st hindi sila…”

tumango na lamang si Yaya

“ohh thanks lola”

“btw CIndy this is Frankie Arinoli” pakilala ni Lola Nidora, namangha si frankie sa ganda ng dalaga

“Hi I’m Cindy from Russia” lahad nito ng kamay kay Frankie, todo ngiti si Frankie at di pa bibitawan ang kamay ng dalaga kung hindi pa sila sinuway ni Lola Nidora

natapos na silang kumain… naglakad lakad muna sila sa City of Dreams, makikitang nag kekwentuhan sila Lila Nidora, Lola Tidora at Frankie. Magkasama naman si Yaya at Cindy.

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay nakasunod na pala si Alden sa kanila

“I am really sorry Divina… it’s Lola Babah’s plan… me and Alden can’t do anything about it… even me I’m not agree with it…”

paliwagan ni Cindy

“its okay Cindy… I already accepted what will happen… congrats and best wishes”

nagulat si Alden sa kanyang narinig…

“Teka… ano? pumapayag ka?”

nagulat si Yaya at Cindy… nasa likod lang pala nila si Alden

“Kanina ka pa ba diyan?” tanong ni Yaya

“Aldrin? what are you doing here?” tanong ni Cindy

“totoo ba Yaya? pumapayag ka na? pumapayag ka na sa kasal namin ni Cindy? pumapayag ka na sa plano ni Lola?” sunod na sunod na tanong ni Alden… at makikitang mabilis ang kanyang paghinga

“oo Alden… OO! pumayag na ako… desisyon ng Lola mo yun…. wala na tayong magagawa buo na ang desisyon niya…”

hinawakan ni Alden ang kamay ni Divina

“pero Divina… sabi ko naman sayo gagawa ako ng paraan… gagawin ko ang lahat kung kailangan kong lumuhod sa harap niya para lang hindi matuloy ang kasal gagawin ko… kung kailangang tanggalan ako ng mana gagawin ko hindi importante ang pera sakin… Ikaw Divina Ikaw! ikaw ang importante sakin… anong gagawin ko sa mga pera kung di ko naman kasama ang taong mahal ko…”

“ano gagawin natin?” natatakot at malungkot na sinabi ni Divina kay Alden

“Basta! hindi dapat matuloy ang plano ng Lola ko…”

“pero paano nga Alden?”

“basta… basta…”

“puro ka naman ganyan… basta gagawa ako ng paraan… basta gagawin ko ang lahat… wala Alden… wala na yata talaga Alden… wala na tayong magagawa, meron ba?”

“na blanko si Alden sa sinabi ni Divina”

Binawi ni Divina ang kamay niya

“Alam mo Alden bata pa tayo eh, bata pa ako marami pa ako gustong gawin… marami pa akong pangarap…” malungkot ngunit nakangiting paglalahad ni Divina; tumingin siya sa malayo

“marami pa tayong pangarap… marami pang pangarap yung pamilya ko sakin, syempre yung sayo may pangarap din sila para sayo… priorities nga natin diba haha…” malungkot na tawa ni Divina; mararamdaman sa boses niya ang pagbuo ng luha sa kanyang mga mata

“hindi nga lang… hindi nga lang ako kasama sa pangarap na yun” tuluyan nang tumulo ang kanyang luha; pupunasan sana ito ni Alden ngunit agad na hinawi ni Divina ang kamay ng binata at siya ang nag punas ng sariling luha

“Kaya mas mabuti sigurong dapat ko na lang tanggapin ang lahat… matatag… siguro… kasi… kasi hanggang dito nalang ata tayo eh… hanggang dito na lang ang lahat”

Hindi naniya napigilang ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata; kahit na si Alden ay umiiyak na rin sa mga sinasabi ni Divina

iniharap ni Alden si Maine na kasalukuyang nakatalikod sa kanya habang umiiyak tsaka hinila at niyakap ngunit nag pupumiglas si Divina

“Alden ano ba…”

“wag mong sabihin yan… wag mong sabihing hindi ka kasama sa mga pangarap ko…”

“Alden pangarap ng pamilya mo ang pinag uusapan hindi pangarap mo…”

“Alam ko kung mahal nila ako tatanggapin din nila kung sino ang mahal ko at kung ano ang mga pangarap ko…”

pilit paring nag pupumiglas si Divina sa mga bisig ni Alden

“Alden bitawan mo ako”

“Divina Ursula… kasama ka sa mga pangarap ko… ikaw ang pangarap ko…”

nang sa wakas ay naka alis na si Divina sa bisig ni Alden ay may sinabi itong dumurog sa kanyang puso

“Alam mo Alden…” umiwas siya sa mga mata ni Alden

“hindi naman talaga kita gusto eh… hindi kita mahal… may iba akong mahal”

nagulat si Alden sa sinabi ni Divina; aalis na sana si Divina palayo sa kanila ngunit hinila ulit ito ni Alden

“hindi totoo yan… wag mong sabihin yan…” naiiyak at hindi makapaniwala si Alden sa sinabi ni Divina sa kanya

sa pagkakataong ito tinignan na ni Divina ng deretso si Alden sa mga mata

“totoo lahat ng nagrinig mo… hindi kita mahal, may iba akong mahal”

binawi ni Divina ang pagkakahawak ni Alden sa kanyang mga braso tska tumakbo palayo…

Itutuloy…

KALYESERYE SEASON 1: ANG TAMANG PANAHON (SEASON ENDER)

KALYESERYE SEASON 1: ANG TAMANG PANAHON (SEASON ENDER)

12278140_10203479440344898_2029621887_n

IKA-APAT NA KABANATA

 

Dumating sila Lola Nidora, Lola Tidora at Yaya Dub at syempre ang mga Rogelio sa mansyon ng mga Faulkerson  limang minutong mas maaga sa oras na sinabi sa imbitasyon.

“Ano ba naman yan… mukhang gubat ang mansyon nila” sabi ni Lola Nidora habang lilinga linga sa paligid

“ay oo nga ate parang hindi naaalagaan hahaha” sagot ni Lola Tidora na may dalang isang basket ng prutas

“oo nga po la…” sagot ni yaya

nang biglang may sumulpot na babaeng naka uniporme

“Good Morning, mag checheck po ako ng attendance”

nagulat ang magkapatid sa sinabi ng kasambahay

“ano ba naman to Tidora hindi kaya klase ang napuntahan natin? bakit may ganito?! bakit may attendance pa?!” pabulong na tinanong ni Lola Nidora kay Lola Tidora

“ano ka ba ate attendance is a must nga e diba nakalagay sa imbitasyon”

at nag umpisa na ang kasambahay na sabihin isa isa ang kanilang mga pangalan

“Donya Nidora Esperanza Zobeyala byuda de Exporer?”

“ahh… present *sabay taas ang kanng kamay*

makikitang may sinusulat at kasambahay sa clip board

“Donya Tidora Zobeyala?”

“ahh… present… WHOOOO!”

“at panghuli, DIvina Ursula Bukbokoba Smash?”

“present po” nahihiyang sabi ni yaya

“sige mukhang kumpleto na kayo, pumasok na ho tayo”

sabay lahad ng kasambahay patungo sa magarang two door entrance sa bahay ng mga Faulkerson

“ang laki ng bahay ate mas malaki pa ata sa mansyon natin”

“wag kang ganyan Tidora mas maganda at mas malinis parin ang mansyon natin”

“oo nga po la…” pang sang ayon ni Yaya

maya maya pa ay bumaba na si Lola Babah sa grand staircase ng mansyon, suot suot ang isang damit na akala mo eh disco ball dahil matapatan lang ng ilaw kay kumikinang na

“HALU HALU aking mga bizitah, welcome to may manzyon!”

“ano ba naman yang suot ni Donya Babah… ang sakit sa mata Tidora dapat pala ay nagdala tayo ng shades!” pabulong na sinabi ni Lola Nidora sa kanyang kapatid

“Oo nga ate ang sakit sa mata manghiram kaya tayo sa mga rogelio?!” sagot ni Lola Tidora

at pumunta na siya kala Lola Nidora at nag beso

“ohh Divina… I’m glad that yur here… blezurski blezurksi!”

at nagmano na si Yaya kay Lola Babah

“befor we enter the houz, remove all yur szhoesz, that’s are tradition si Ruzzia”

at nag tanggal na sila ng kanilang mga sapatos

“ano ba naman to Tidora konti nalang ay masasapak ko na tong si Donya Babah” naiinis na binulong ni Nidora kay Tidora

“kalma ate tandaan ang mansyon hmm…”

“ahh lola andito po kaya si Alden?”

“yaya naman mamaya mo na itanong yan”

“sorry po”

“are you saying something Nidora?”

“ahh wala wala…”

 

“okii kung ganun halina’t pumazok na tayo, com’on again… welcome to my manzyon, this is just a small houz for me” masayang sinabi ni Lola Babah sa kanyang mga bisita ngunit makikita mo sa mukha ni Lola Nidora ang pagka yamot

“I will take you a tour” pumunta sila sa isang lamesang may mga letrato “az you can zee thiz iz my favorite apo… Thiz iz Aldrin when he iz iztill zmall kid… zeee he iz zoo handzome” masayang kwento ni Lola Babah at makikita mo naman si Yaya na manghang mangha sa mga picture sa lamesa

“Thiz iz my apo when he iz ztill adik in duta, ang payat pa niya…”

“ahh Lola Babah?” tawag ni Yaya kay Lola Babah “What iz it Urzula?”

“pwede po ba akong manghingi ng picture ni Alden?” Nagulat sila Lola Nidora sa sinabi ng kanilang apo

“Yaya wala tayo sa bahay natin umayos ka” sabay kurot sa tagiliran ni Yaya

“ay sorry po sorry po”

“Yun lang pala Urzula sigi ipapa izcan kita ng mga picture ng apo ko”

“YEHEYY” masayang sinabi ni yaya “Divina umayos ka” bulong ni Lola Nidora kay Yaya

“okii we’re done with the tour letz now go to the dining”

at sumunod na sila kay Lola Babah

“Nidora you zit on my right and you Urzula on my left”

utos ni Lola Babah sa kanyang mga bisita… umupo na sila sabay sabay nang biglang may bumisina…

dumating na pala si Alden

“ohh Aldrin apo you’re just in time, umupo ka na diyan”

nagmano muna si Alden sa kanyang mga Lola bago umupo sa tabi ni Yaya; nag umpisa na silang kumain at makikitang nag haharutan sa pagkain si Alden at Maine… tipong susubuan ni Alden si Maine pero iiiwas ang kutsara tsaka ilalapit ang mukha niya kay Maine

“Aldrin apo what are you doing?” saway ni Lola Babah sa apo niya

nagpatuloy sila sa pag kain nang biglang bumusina…

si Cindy pala… dumating suot ang damit na kaparehas ng kay Yaya, nagulat si Yaya nang nakita ito

“ohhh Czindy, buti dumating ka na” sabay beso niya kay Lola Babah “zit Czindy zit so we can start to eat”

habang abala ang lahat sa pagkain ay tinawag ni Lola Babah ang atensyon nila

“Ehem…” tumigin silang lahat kay Lola Babah “Zince we are complete I will now tell you the reazon of this lunch”

ang lahat ng kanilang atensyon ay na kay Lola Babah na

“Firz of all I would like to thank Lola Nidora, Tidora and Urzula for granting my invitasion… and now I organize thiz lunch to perzonally tell about the manzyon”

“anu hong meron sa mansyon Donya Babah? kukunin niyo na ho ba?”

“no no no… since Christmas is forthcoming, napagdezizyunan kong habaan pa ang palugid sa inyo for that manzyon and that’s my Chriztmaz gift for you Nidura”

“ma…maraming salamat Donya Babah”

“next is I would like to perzonally annouce the engagement of my apo Aldrin and Czindy and about their upcoming wedding…”

nagulat sila Lola Nidora pati si Alden at si Cindy naman ay tuwang tuwang naka kapit sa braso ni Alden habang si Alden naman ay hawak ni kamay ni Maine dahil nag babalak itong umalis

“ahh yaya paki kuha nga muna ang envolop sa van”

pag uutos ni Donya Nidora kay Yaya dahil napapansin niyong tumataas na abf tensyon sa lamesa, nang umalis na si Yaya bigla itong sinundan ni Alden

“Where are you going Aldrin?”

“ahh kukuha lang ho ng tubig”

“ganun ba zigi kuhaan mo na rin ako ng dunat”

patakbong umalis si Alden sa lamesa

“teka Maine…”  biglang hila niya kay Yaya

“ano ba Alden binitwan mo ako!!!… ano ba! sabing bitiwan mo ako!” pag iiwas ni Maine sa braso niya kahit na hindi na siya hinihila ni Alden

“anong ginagawa mo meng andito ako sa harap mo”

“ahh ganun ba…” mataray na sabi nito

“meng mag usap naman tayo!” pag mamakaawa niya sa dalaga

“ano pang pag uusapan Alden? ikakasal na daw kayo dun ka na sa model mo!”

“ano ba Maine walang ibang model sa buhay ko kundi ikaw!”

“ganun ba… pero ehh bahala ka diyan ikakasal na kayo diba pakasaya ka na dun!”

“Meng naman wag kang ganyan… gagawa ako ng paraan para hindi matuloy yun! wala akong ibang gustong pakasalan kundi ang babaeng nasa harap ko ngayon…”

“pero.. lola mo na ang nagsabi ikakasal na kayo!”

“Maine pwede mag tiwala ka muna sakin oh… gagawa ako ng paraan…”

“sinabi mo na yan dati Alden paulit ulit nalang tayo… naniniwala naman ako sayo eh”

“Maine teka…” sabay kuha ng kamay ni Maine at nilagay sa ganyang dib dib

“naririnig mo ba ang sinisigaw niyan? pangalan mo buong pangalan wala nang iba”

hinila ni Maine ang kamay tska humakbang palayo kay Alden

“Alden nakapag desisyon na ang Lola mo… hindi mo na pwedeng baliin yun”

“Teka Meng makinig ka nga muna sakin”pagpipigil ni Alden sa dalaga, nang nakuha niya ang braso nito hinila niya na ito upang yakapin

“shh pag di ka pa tumahimik hahalikan na kita! gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal… wala akong ibang gustong pakasalan kundi ikaw… kaya please Maine magtiwala ka sakin”

ilang minuto pa ay bumitaw na sila sa yakap

“bumalik na tayo dun baka hinahanap na nila tayo”

bumalik na sila sa kainan dala ni Yaya ang envelop at si Alden naman ay ang tubig at donut

“what took you so long apo!?… sabi ko nga kanina ikakasal na si Alden at Cindy sa lalong madaling panahon…”

“pero lola…” may sasabihin sana si Alden kay Lola Babah ngunit inunahan niya ang kanyang apo

“yes Aldrin itz true… you and Czindy are getting married as soon as possible, and zhe already told me that you didn’t agree about it but you can’t do anything to run away from it its final!”

 

makikita ang pagkayamot sa mukha ni Yaya ngunt pinipigilan niya dahil pinanghahawakan niya ang sinabi ni Alden sa kanya… na magtiwala lamang siya sa binata

“ahh Donya Babah parang hindi naman ho tama ang desisyon niyo… mali hong pangunahan ang nararamdaman ng isang tao… ang pag ibig ay kusang nararamdaman hindi ito pwedeng idikta tsaka alam naman nating sagrado ang kasal hindi basta basta pwedeng gawin sa dalawang taong hindi naman nag mamahalan”

“no no no… Nidora itz final… their wedding will happen as zoon as possible…”

“lola ano ang pwede kong gawin para hindi matuloy ang kasal?”

“you can’t do anything about it Aldrin its final!” matigas na sabi ni Lola Babah

hinawakan ng mahigpit ni Alden ang kamay ni yaya

“ahh sige po lola ganito nalang po” tumayo siya sa kinauupuan niya

“kasi lola ganito po yun..” dali dali niyang hinila si Maine sa kinauupuan nito tsaka sila tumakbo palabas ng bahay

“bye lola!” masayang sinigaw ni Alden sa kanyang Lola Babah

 

 

Itutuloy…

 

 

 

KALYESERYE SEASON 1: ANG TAMANG PANAHON (SEASON ENDER)

Kalyeserye Season 1: Ang Tamang Panahon (Season Ender)

12278140_10203479440344898_2029621887_n

IKATLONG KABANATA

 

Hawak hawak ni Alden ang isang litrato ni Yaya, makikita sa kanyang mga mukha kung gaano niya ka-miss si Maine nang biglang nag ring ang kanyang telepono;

“Hello?”

“Aldrin apo…” ang kanyang Lola Babah pala

“bakit po la?” malungkot na tanong ng binata sa kanyang Lola

“Aldrin… may pinadala akong sulat diyan, nakuha mo na ba?”

Biglang dumating ang riding in tandem dala ang isang puting envelop;

“A…andito na po la, ano pong gagawin ko dito?” pagtatakhang tanong niya

“I want you to give it to Nidora, gusto kong personal mong ibigay ang sulat na yan sa kanya” sambit nito sa kabilang linya

“at isa pa” pahabol niya sa kanyang apo “do not daree to open that letter, hindi yan para sa iyo apo”

“o..opo la” at binaba na ng kanyang lola ang telepono

tsaka umalis ng broadway si Alden para puntahan sila Lola Nidora sa barangay.

 

Barangay…

“Tidora kawawa naman si yaya” malungkot na sinabi nito sa kanyang kapatid, “hindi pa siya lumalabas simula kahapon, ni hindi pa nga siya nag umagahan at tanghalian nung umalis ako nasa kwarto parin siyaaaaaaaa” naluluhang sambit niya kay Tidora

“kaya nga ate kawawa naman si yaya” pang sang ayon niya sa kanyang ate

“kung alam ko lang na magkaka ganito sana nung umpisa palang ay tinigilan ko na, sana hindi ko na ito tinuloy ni hindi man lang natin siya naprotektahan kahapon naaawa ako sa bata” paiyak na sabi ni Lola Nidora

“hay naku ate wag mo ngang sabihin yan! ayos lang yan para naman matuto si Yaya, tandaan mong hindi natin siya parating kasama, wala tayo parati sa tabi niya para protektahan siya kaya ayos lang yan para naman matuto yung bata kung paano niya poprotektahan ang kanyang saril…”

“pero Tidora…”

“ate sabi nga nila na experiences in life are the best teacher kaya ayos lang yan cheer up ate, lahat ng mga pinagdadaanan natin sa buhay, lahat ng pagsubok yan ang magpapatibay sa atin bilang tao…”

“sabagat Tidora may punto ka”

nang biglang may bumusinang sasakyan; dumating ang isang hindi pamilyar na sasakyan kulay pink na Jeep Commando at may plakang “mowdeling”  taktakang taka ang magkapatid kung sino ito

*insert fashionista song here*

bumaba ang isang babae sa sasakyan at nakasuot ng kulay gold na dress at stiletto na 4 inch. sabay rampa sa harap ng magkapatid

“teka ate si…”

“si cindy!” naguguluhang sagot nito sa kanyang kapatid “anong ginagawa niyan dito?”

“di ko alam ate, bat may dalang cake yan?”

unti unti nang lumapit si Cindy sa magkapatid; nilapag ang ckae sa lamesa at nagmano sa dalawang Lola

“Hello Lola Nidora and Lola Tidora” maligayang niyang binati ang magkapatid

“what are you doing here Cindy?” tanong ni Lola Tidora

“oo nga what are you doing here? what is that?” tanong ni Lola Nidora sabay turo sa cake

“I brought you a cake” sagot ni Cindy

“I know that’s a cake pero para saan?” nagtatakang tanong ni Lola Nidora samantalang si Lola Tidora naman ay halatang nayayamot na sa prisensya ni Cindy

“its a friendship gift lola, cause I want to be friends with you”

“Tidora maganda  naman pala ang hangarin, ROGELIO ROGELIO ROGELIO!!! Ikuha niyo kami ng platito, alright Cindy lets celebrate the Pilipino – Russian friendship day today”

“NO… NO NO NO NO NO NO NO” sabi ni Tidora

“really lola?!” masayang sinabi ni Cindy

“teka ate kakagat ka agad diyan? sigurado ka bang ligtas yang dala niya mamaya may lason yan” sinabi ni Tidora habang nagsasayaw

“ikaw naman Tidora mukhang maganda naman ang hangarin niya hayaan mo na…”

“hay naku ate bahala ka nga diyan, tandaan mo kaaway natin yan”

nang biglang may bumusina

“teka ate sino yun?!”

“hindi ko din alam Tidora baka mamaya si Lola Babah yan hindi pa naman tayo nakapag handa!!! ROGELIO ROGELIO ROGELIO! tignan niyo nga kung sino yun!” patakbong pumunta ang mga rogelio sa puting hi-ace na dumating… at biglang bumaba si Alden, nagulat ang binata nang nakita niya si Cindy “what are you doing here Cindy?” pagtatakang tanong niya

“Alden… halikan mo ako” sabi ng dalaga kay Alden

“teka teka andito kami uyy konting kalang naman oyy sa harap pa talaga naman eh! nang aano ka eh noh Cindy” sabi ni Lola Nidora sa dalawa, biglang lumapit si Alden sa dalawang lola para magmano ngunit iniwas agad ni Nidora ang kanyang kamay

“anong ginagawa mo dito?” mataray na sabi niya kay Alden

“lo…lola nandito po ako kasi may pinapabigay si Lola Babah sa inyo” malungkot na sinabi ng binata kay Lola Nidora

“kaya pala akala ko pa naman eh mag sosorry ka kay yaya, asan na ang pinapabigay ng lola mo? nang makaalis na rin kayo ni Cindy”

nagulat si Alden sa sinabi ng Lola ni yaya “Lola naman… nandito rin po ako para sa bagay na yun wag naman po kayong ganyan… hindi ko rin naman po alam ang tungkol sa kasal na yun eh promise po”

“Alden hindi mo alam kung gaano nasaktan ang apo namin” malungkot na umpisa ni Lola “pag uwi niya kagabi galing broadway ay matamlay siya, dumeretso agad siya sa kwato niya… ni ayaw niyang kumain… nakakaawa yung bata…”

“po lola?! hindi po siya kumain? pero bakit po?” nag aalalang tanong niya kay Lola

“kailangan ko pa bang ulitin ang lahat ng sinabi ko?!”

“hi…hindi na po lola”

“katulad nga ng sinabi ko dito kay Tidora na kung alam ko lang na magkaka ganito sana nung umpisa palang ay tinigilan ko na, sana hindi ko na ito tinuloy sana hindi na ako pumayag sa inyong dalawa kung masasaktan lang siya” malungkot na sinabi ni Nidora

“pe..pero lola hindi ko naman po alam ang lahat… at hindi rin naman po ako makakapayag sa desisyon ni Lola Babah…” matapang na sagot ni Alden

“pero iho tandaan mong lola mo ang nagsabi”

“oo nga po pero gagawin ko po ang lahat para lang mabago ang isip ni Lola Babah… tsaka ung sing sing hindi po ako titigil hanggat hindi ko iyon nahahanap gagawin ko po ang lahat lola basta wag na po kayong magalit sa akin”

“hindi ako nagagalit iho… nagulat lamang ako sa sinabi nitong si Cindy kahapon tsaka nag aalala lamang ako kay yaya bilang lola niya nakakaawa yung bata…”

habang nag uusap si Lola Nidora at Alden si Cindy naman ay pilit na niyayakap si Alden

“Cindy you know that I only hug one girl and that’s Maine”

ngunit hindi parin tumitigil si Cindy “Alden yakapin mo ako”

“eto lang ang tandaan mo Alden iho… sa oras na malaman kong totoo ang sinasabi ni lola Babah mo… ilalayo ko sayo si yaya babalik na kami ng Europa at dun nalang kami titira eh tutal naman e wala narin ang mansyon… tanging bungalow nalang ang natitira sa amin ayaw ko naman tumira doon mahirap linisin!”

“lola naman… wag naman po hindi ko kaya…”

“kaya nga hanggat maaga e linawin mo ang lahat… teka nga asan na ung sulat na sinasabi mo?”

“ay oo nga po pala lola *kinuha ni Alden ang sulat sa kanyang bulsa* eto po”

inabot niya ang isang sulat na nakalagay sa silver na sobre

“basahin natin basahin natin…

Donya Nidora Esperanza Zobeyala y byuda de Explorer

Donya Nidora,

                            Magandang araw sayo, I would like to invite you, your sister Tidora and of course Yaya Dub to my mansion for a sumptuous lunch tomorrow.  ATTENDANCE IS A MUST! 

Thank you!

 

Donya Barbara Laticia Rockefeller byuda de Faulkerson

 

“Iniimbitahan tayo bukas Tidora”

“ay oo nga ate pupunta ba tayo?”

“kailangan Tidora ang mansyon tandaan mo… teka do you know about this Cindy?”

“no… no I don’t have any idea about that”

“ikaw Alden?”

“hindi po… wala po akong alam diyan”

“e para saan tong lunch na to?”

 

Itutuloy…

Kalyeserye Season 1: Ang Tamang Panahon (Season Ender)